Chairman Bautista, handang harapin ang impeachment complaint

2017-08-24 18:22:00

SINABI ni Comelec chairman Andres Bautista na handa siyang harapin ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya.  Ito ang kanyang pagtiyak sa panayam ng mga mamamahayag matapos ang pagdinig sa budget ng kanyang tanggapan para sa susunod na taon.

Sinabi ni G. Bautista na hindi pa niya nababasa ang pormal na reklamo laban sa kanya.  Tiniyak niya na ipaliliwanag niya ang kanyang panig sa takdang panahon at lugar.  Pinag-aaralan p-a rin niya ang kanyang gagawin sapagkat sangkot ang kanyang pamilya at ang kanyang tanggapan.

Kinikilala rin niya ang posibilidad na magbakasyon o magbitiw.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino