Mga magulang ni Kian Delos Santos, kinausap ni Pangulong Duterte

2017-08-28 16:32:07

 

NAKAUSAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang ng napaslang na 17 taong gulang na si Kian Loyd delos Santos sa Malacanang Park kanina.


Naganap ang pag-uusap sa Malago Clubhouse matapos dumalaw ang pangulo sa lalawigan ng Pampanga.  Ang pamilya delos Santos umano ang humiling na makaharap ang pangulo.  Walang iba pang detalyes na nakuha hanggang sa sinusulat ang balitang ito.


Napaslang ang 17-taong gulang na si Kian sa isang police operation sa Caloocan City noong nakalipas na ika-16 ng Agosto. Pinapanagot na ang mga pulis ng Caloocan na dumakip at sinasabing pumatay sa menor-de-edad.  Naihatid na sa huling natungan ang labi ng biktima noong Sabado.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino