Ama ng mga Maute, namatay sa pagamutan

2017-08-28 16:41:15

Ama ng mga Maute, namatay sa pagamutan

 

PUMANAW na si Cayamora Maute, ama ng magkapatid na Maute na namuno sa pagsalakay sa Marawi City noong ika-23 ng Mayo taong ito.  Pumanaw si Cayamora samantalang detenido sa Camp Bagong Diwa, sa isang pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology.


Ayon sa pahayag ng BJMP, na sa malubhang kalagayan ang nakatatandang Maute ng isugod mula sa special intensive care unit mga ikatlo ng hapon kahapon.  Dinala siya sa Taguig-Pateros District Hospital at doon na nasawi.


Tumaas umano ang blood pressure at nahirapang huminga.  May diabetes, hypertension at hepatitis ang nakatatandang Maute.  Dinala ang labi ng pumanaw sa isang mosque sa Quiapo at inilibing din ayon sa tradisyon ng mga Muslim kagabi.


Magugunitang nadakip si Cayamora sa isang military checkpoint noong ika-anim ng Hunyo.  Hindi nagtagal, nadakip din ang kanyang maybahay na si Farhana.  Detenido ang mag-asawa sa Camp Bagong Diwa.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino