Retiradong mamamahayag, kabilang sa napaslang sa isang madugong krimen

2017-08-30 18:18:49

NASAWI si Joel Palacios, 70 taong gulang, isang dating tagapagbalita ng Reuters, kawani ng United States Information Service, patnugot ng mga pahayagan at bise presidente ng Social Security System sa isang madugong krimeng naganap sa Pasay City kagabi.

Ayon kay National Capital Region Police Office director Chief Supt. Oscar Albayalde, napaslang ng mga operatiba ang suspect na nakilalang si Robert Garan nang magipit sa ika-22 palapag ng 25 palapag ng condominium sa Pasay City.

Kabilang sa nasawi ang katipan ni Garan na nakilala sa pangalang Emelyn Sagun at isang 12 taong gulang na batang babae. Itinulak pa umano ni Garan ang kanyang katipan sa hagdanan matapos saksakin. Lahat ng nasalubong ni Garan ay pinagsasaksak din, kabilang na ang dating mamamahayag na si Joel Palacios.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino