Tulong ng Australia, tinutulan ng mga militante

2017-09-04 12:50:40

TUTOL ang Bagong Alyansang Makabayan sa balak ng Australia na aktibong lumahok sa mga military operations sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng alyansa na ang mga spy plane ng Australia ay kumikilos na sa Marawi. Namangha ang grupo sa pahayag ni Foreign Minister Julie Bishop noong nakalipas na Martes, ika-29 ng Agosto, na inaalok ng kanyang pamahalaan ang inaalok ang pamahalaan ang isang “Iraq level assistance” sa Marawi City.

Naniniwala si Minister Bishop na ang Marawi City ang bagong Raqqa, ang kapitolyo ng Islamic State in Syria. Ang alok na ito ay malayang tinanggap ng Malacanang. Kailangan umanong pag-isipan ito ng mga mamamayan lalo't nabanggit ang Iraq at Syria.

Mayroong 300 kawal na Australiano sa Iraq at may 80 commandos na sangkot sa pagsasalay, pagpapayo at pagtulong sa mga kawal ng pamahalaan. Binanggit na ni Director Peter Jennings ng Australian Strategic Policy Institute na tagumpay ang kanilang operasyon sa Iraq.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino