Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio, inanyayahang dumalo sa pagdinig ng Senado

2017-09-05 17:02:04

INANYAYAHAN ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio hinggil sa P 6.4 bilyong shabung nakalusot sa Bureau of Customs noong nalakipas na Mayo.

Ito ang sinabi ni Senador Gordon na kahit ano'ng sabihing walang basehan ang mga akusasyon, mas makabubuting pakinggan ang kanilang magiging pahayag sa pagdinig ng komite.

Posibleng maganap ang pagdinig sa darating na Huwebes, ikapito sa buwan ng Setyembre.

Ayon naman kay Senador Antonio Trillanes IV, walang nagawa si Senador Gordon dahil sa public pressure. Nakaramdam umano ng public pressure si G. Gordon kaya bumigay na rin. Kahit hindi pa sumagot sina Vice Mayor Duterte at Atty. Carpio ay nakahanda si G. Trillanes na magtanong hinggil sa sinasabing pagkakadawit sa pagpupuslit ng kontrobersyal na kargamento.

Magugunitang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang sapat na dahilan upang anyayahan ang anak at manugang ni Pangulong Duterte sapagkat pinawalang-sala na ng sinasabing Customs fixer na si Mark Taguba sa pagkakasangkot sa kontrobersya.

Sinabi ni G. Taguba sa pahayag na inilabas ng kanyang abogadong si Raymond Fortun, na walang kinalaman ang dalawang taong malapit sa pangulo. Humingi rin ng paumanhin si Taguba kay Vice Mayor Duterte at Atty. Carpio sampu ng kanilang mga pamilya sa pagpapakalat ng maling balita sa Senado noong nakalipas na linggo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino