Reklamo laban kay Senador Trillanes, suportado umano ng 14 na senador

2017-09-05 17:16:10

HIGIT sa 14 na senador ang sumusuporta sa ethics complaint laban kay Senador Antonio Triallans IV. Ito ang sinabi ni Senador Richard Gordon sa isang panayam sa mga tagapagbalita matapos ang dalawang oras na caucus na dinaluhan ng 17 mga senador na kabilang sa majority bloc. Hindi nakadalo si Senador JV Ejercito sapagkat na sa pagamutan.

Ipanarating na ang reklamo ngayon at 'di na kailangan ng mga lagda ng mga senador sapagkat suportado ng higit sa 14 na mambabatas.

Nag-ugat ang reklamo sa pagsasabi ni Senador Trillanes na ang komiteng pinamumunuan ni Senador Gordon ay isang “comite de absuelto.”

Nagkasagutan ang dalawang mambabatas sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa hiwaga ng pagkakapuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa Bureau of Customs.

Sinabi naman ni Ethics Committee chairman Senador Vicente Sotto III na tama ang pahayag ni Senador Gordon sa bilang ng mga sumusuporta sa reklamo. Pag-uusapan ito sa darating na Lunes ng komite. Pag-uusapan umano ang reklamo sa pinakamadaling panahon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino