Mas mataas na inflation, napuna noong nakalipas na buwan

2017-09-06 16:33:45

 

TUMAAS ang inflation sa pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, tubig, kuryente at gasolina noong nakalipas na buwan.


Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, tumaas ang headline inflation sa 3.1 percent noong Agosto mula sa 2.8 percent noong nakalipas na Hulyo.


Ang core inflation na hindi kinabibilangan ng volatile food and energy prices, ay tumaas din ng 3.0 percent noong Agosto at mas mataas sa revised 2.8 percent noong Hulyo.


Mas mataas ito ng bahagya sa market expectations na 3.0 percent subalit na sa loob pa rin ng target ng pamahalaan na mula dalawa hanggang apat na porsiyento.


Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, mananatili ang inflation sa target ng pamahalaan sa taong ito kahit pa tumaas sa ikalawang pagkakataon ngayong 2017.  Mananatiling mapagbantay ang pamahalaan sa upside at downside risks, dagdag pa ng kalihim.


Tumaas ang food inflation at nakamtan ang 3.7 percent noong Agosto mula sa 3.4 percent noong Hulyo ng 2017.  Ito ay dahilan sa pagtaas ng presyo ng gulay, isda, mais, harina, tinapay at iba pang mga butil.  Isang dahilan din ang bagyong “Jolina” na nakaapekto sa pagsasaya sa Central Luzon, lalo na sa lalawigan ng Aurora.


Ang non-food inflation ay tumaas asa 2.7 percent mula sa 2.4 percent noong Hilyo dahilan sa mas mabilis na paggalaw ng presyo sa transport, housing, recreation and culture, communication, restaurants, water, electricity at gas.


Sa pagtaas ng pangangailangan sa petrolyo, partikular sa unleaded gasoline, disel, keresene at liquified petroleum gas ang nagpataas sa inflation sa transport sector.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino