Pagkakahirang kay Secretary Rafael Mariano, tinanggihan ng Commission on Appointments

2017-09-07 16:55:58

NAGKAISA ang mayorya ng House contingent sa Commission on Appointments at sinabayan pa ng ilang mga senador ang pagtanggi kay Agrarian Reform Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang kalihim ng repormang agraryo.

Ika-apat si Ka Paeng sa tinanggihan ng Commission on Appointments. Nagkaroon pa umano ng secret voting, ayon kay Agrarian Reform Committee chair Senador Vicente Sotto III matapos ang isang executive session.

Nakatakdang umalis na sa kanyang opisina si Secretary Mariano kanina, bago lumubog ang araw.

Naunang nangako si G. Mariano sa confirmation hearing na ang lahat ng programa ng tanggapan ay tutugon sa itinatadhana ng batas at hindi kailanman susuporta sa mga pagkilos na labag sa batas.

Magugunitang naging party list congressman si G. Mariano mula sa hanay ng partidong Anakpawis at chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at isa sa mga inirekomenda ng National Democratic Front kay Pangulong Duterte.

Naunang binanggit ni G. Mariano na ang Comprehensive Agrarian Reform Program ay huwad at sinabi pang nais niyang pagbalik-aralan ang nilalaman nito upang higit itong pakinabangan ng mga magsasaka at manggagawang bukid.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino