Mga Marcos, kailangang umamin muna bago bigyan ng immunity

2017-09-07 16:59:13

NANINDIGAN si Vice President Leni Robredo na kailangang umamin muna ng kanilang kasalanan ang mga Marcos bago sila humingi ng immunity.

Mahirap umanong magpatawad sa isang tao na hindi umaamin ng kasalanan. Ito ang kanyang pahayag sa panayam na ibinigay sa mga mamamahayag na sumabay sa kanyang pagdalaw sa isang depressed area.

Wala umanong paghilom na magaganap. Marahil ay nais lamang na makalusot sa mga usaping legal.

Binanggit ni Pangulong Duterte kahapon na maaaring humingi ng immunity ang mga Marcos sa oras na tanggapin ng pamahalaan ang ibabalik na yamang itinago ng ilang dekada.

Madali umanong matatapos ang mga usapin kung kakailanganin, dagdag pa ni Vice President Robredo.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino