Tadtad ng saksak ang katawan ng 14 na taong-gulang na nawawala

2017-09-07 17:00:40

NATAGPUAN na ang nawawalang kasama ng napaslang na si Carl Angelo Arnaiz sa Gapan, Nueva Ecija na tadtad ng saksak. Ang batang nakilala sa pangalang Reynaldo De Guzman ay natagpuang may 30 saksak sa kanyang katawan.

Ang 14 na taong-gulang na si Reynaldo ang huling nakitang kasama ni Carl Angelo Arnaiz noong gabing nakipagbarilan umano sa mga pulis na dumakip sa kanya sa pagkakasangkot umano sa isang hold-up.

Nakatanggap umano ng tawag ang pulisya mula sa isang taxi driver na naging biktima ng hold-up. Tumugon ang mga pulis at diumano'y naglalakad lamang si Arnaiz ng dumating ang mga pulis upang magsiyasat.

Ayon sa mga kaibigan ni Arnaiz, nagpameryenda pa umano ang kanilang kabigan sa isang lugawan noong hatinggabi ng ika-18 ng Agosto. Tumagal pa umano ang mga kabataan sa tindahan nina Arnaiz sa Cainta, Rizal.

Isa sa mga kaibigan ni Arnaiz ang nagsabing dumating si De Guzman samantalang maghihiwa-hiwalay na sila at tumagal pa sapagkat tila ayaw pang matulog ni Arnaiz. Iyon na umano ang huling pagkakataong nakita nilang buhay ang kanilang mga kabigan.

Natagpuan ang labi ni Arnaiz sa isang morge sa Caloocan City matapos ang sampung araw samantalang nakita naman ang labi ni De Guzman sa isang punerarya sa Gapan, Nueva Ecija, siyam na araw matapos matagpuan ang labi ni Arnaiz.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino