Tatlo katao, nasawi, 13 ang nawawala sa pagdaan ng bagyong “Maring”

2017-09-13 17:37:04

 

NABATID na tatlo katao ang nasawi samantalang may 13 ang nawawala sa pagdaan ng bagyong “Maring” na naging dahilan din ang matinding ulan at malawakang pagbaha sa loob at labas ng Metro Manila.


May mga pook na hanggang dibdib ang baha.  Karaniwang umaabot sa 20 sama ng panahon ang dumaraan sa Pilipinas bawat taon.


Karamihan sa mga nasawi at nawawala ay mahihirap na naninirahan sa mapapanganib na pook kahit pa binalaan na ng pamahalaang umiwas sa posibleng trahedya.


May dalawang nasawi sa pagguho ng lupa sa silangang bahagi ng Metro Manila samantalang isang 12-taong gulang na babae ang nalunod sa isang ilog.


Tumama ang bagyong “Maring” sa Mauban, Quezon kaninang umaga bago tumahak patungo sa kanlurang bahagi ng Luzon.


Ayon sa PAGASA, sa pamamagitan ni Renito paciente sa pakikipanayam sa mga mamahayag, dala ni “Maring” ang hanging umaabot sa100 kilometro bawat oras at kumikilos sa bilis na 15 kilometro bawat oras na siyang nagpapalala sa pagbaha.  Sa bagal ng pagkilos ng bagyo, higit na malakas ang ibinubuhos na ulan nito.


Pinayuhan na ng pamahalaan ang mga mamamayang naninirahan sa mabababang pook na lumikas upang makaiwas sa anumang panganib.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino