Mga obispo nanawagan sa pamahalaang itigil na ang mga pagpatay

2017-09-13 17:38:59

 

NANAWAGAN ang mga obispo sa pamahalaan na wakasan na ang serye ng mga pagpatay kasabay ng kahilingang papanagutin ang mga nasa likod ng serye ng krimen.


Sa isang pahayag sa ngalan ng CBCP permanent council, sinabi ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas na ang bansa ay nagkasala at nakipagsabwatan sa mga pumatay dahil sa katahimikan at 'di pagkilos.


Nanawagan si Arsobispo Villegas sa mga pari at mga mananampalataya na makiisa sa pagdarasal sa susunod na 40 araw, pagdupikal ng mga kampana at pagsisindi ng mga kandila sa alala ng mga napaslang.  Humiling din siya ng tulong para sa mga naulila.


Sa ngalan ng Diyos, itigil ang mga pagpatay at nawa'y makarating ang katarungan ng Diyos sa mga nararapat managot.


Ayon sa pahayag, sina Kian, Carl at Reynaldo ay mga batang lalaking masayang nabubuhay, mapagmahal na mga supling ng kanilang mga magulang.  Ngayon ay batid na ng buong bansa ang kanilang mga pangalan sapagkat kinitil ang kanilang buhay, natuldukan ang kanilang mga pangarap sa kanilang pagkasawi.


Inilabas ng CBCP ang pahayag kasunod ng kaduda-dudang pagkamatay nina Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at isang Reynaldo “Kulot” De Guzman.


Idinagdag pa ni Arsobispo Villegas na hindi nararapat manatiling bahagi ng bilang o datos ang kanilang pagkamatay sapagkat malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang mga biktima ng kawalan ng katarungan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino