Mga pulis at tsuper ng taxi, inireklamo ng mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman

2017-09-14 17:57:02

  

IPINARATING ng mga kamag-anak nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman ang kasong double murder sa Department of Justice laban sa dalawang pulis at sa tsuper ng taxi na sangkot sa pagkasawi ng dalawa.


Tinulungan ng Public Attorney's Office, ang mga magulang nina Arnaiz at de Guzman ang nagreklamo laban kina Police Officer 1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita ng Caloocan City Police at isang Tomas Bagcal, isang tsuper ng taxi.


Inakusahan ang tatlo ng torture at pagtatanim ng ebidensya na labag sa Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Nakasalalay ang reklamo sa forensic analysis sa mga sugat nina Arnaiz at De Guzman at mga pahayag nina Alias Kai at Joe Daniel na nakakita umano kung paano pinatay si Arnaiz.


Ang 21 taong si Joe Daniel ay nagsabi ring sakay si Arnaiz at isang maliit na binatilyo ang nasa loob ng police car sa may C3 Road kung saan binaril hanggang sa mapatay noong madaling araw ng ika-18 ng Agosto.


Samantala, ipinagpasalamat ng Philippine National Police ang pormal na pagrereklamo sa kanilang mga tauhan upang maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili sa hukuman.  Ito ang naging pahayag ni Chief Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP.


Hinamon naman ni Chief Public Attorney Persida Acosta si Bagcal na linisin niya ang kanyang pangalan sa usapin.  Malamang na gawin pang state witness si Bagcal at kailangan lamang magsabi ng katotohanan lalo pa't hindi ipagagamit ang Public Attorney's Office sa mga sinungalin.


Nakipagsabwatan umano si Bagcal sa mga pulis sa pagpatay kay Arnaiz at de Guzman.




Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino