Mga proyekto hinggil sa climate change, pasado na

2017-09-20 18:06:18

NAKAPASA sa People's Survival Fund na pinamumunuan ng Department of Finance ang apat na proyektong nagkakahala ng higit sa P 196 milyon upang makatulong sa mga pamahalaang lokal na apektado ng pagbabago sa klima.

Sinabi ng International Finance Group sa kanilang ulat kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang dalawang proyekto ay nagkakahalaga ng P 119 milyon na nakapasa na sa lupon noon pang nakalipas na Nobyembre samantalang mayroong dalawang proyektong nagkakahalaga ng P 76 milyon ang naipasa noong nakalipas na Agosto.

Ang mga makikinabang ay ang mga bayan ng Lanuza sa Surigao del Sur, Del Carmen sa Surigao del Norte, San Francisco sa Camotes Island, Cebu at ang Gerona sa Tarlac.

Mayroon itong taunang pondo na P 1 bilyon na nasa National Treasury.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino