Kinakasama ni Pangulong Duterte, inanyayahan umano ni Melania Trump

2017-09-21 18:34:36

INANYAYAHAN umano ni American First Lady Melania Trump ang kinakasama ngayon ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avancena. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Sa tanong kung kasama si Bb. Avancena sa delegasyon ng Pilipinas sa United Nations General Assembly matapos makita sa America, sinabi ni G. Abella ay sa pagkaka-alam niya ay mayroong paanyaya si Gng. Melania Trump sa kanya.

Isa umanong personal trip ang pagtungo sa America upang dumalo sa isang okasyong pinamunuan ni Gng. Trump.

Wala pang sagot ang Malacanang sa kahilingang detalyes ng paglalakbay ni Bb. Avancena sa America.

Nanood umano ng Miss Saigon si Bb. Avancena at nang tanungin ay nagsabing na sa New York siya upang dumalo sa United Nations General Assembly at inanyayahan siya subalit walang ibinigay ng ibang detalyes.

Hindi umano nakadalo si Pangulong Duterte sa United Nations General Assembly sapagkat maraming inaasikaso sa bansa tulad ng kaguluhan sa Marawi City. Kinatawan ng bansa si Foreign Secretary Alan Peter Cayetano.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino