Gurong naging domestic helper, biktima ng pang-aabuso

2017-09-22 19:07:08

NATAGPUAN na si Joramie Garcia Torres matapos mawala ng ilang buwan. Humihiling ngayon ng tulong ang mga magulang ng biktima kay Pangulong Duterte na makamtan ang katarungan sa sinapit ng kanilang anak.

Nadakip na ng pulis sa Malaysia ang mga amo at pansamantalang nakalabas matapos magpiyansa.

Natagpuan ang halos walang malay na si Joramie ng isang mag-asawang Filipino. Nakipag-ugnayan ang tumulong na mag-asawa sa mga kamag-anak dito sa Pilipinas. Huling nakabalitaan ang biktima noong nakalipas na Pebrero.

Nakapasok ng trabaho bilang domestic helper sa tulong ng isang employment agency at nagtungko sa Ipoh Perak, Malaysia noong Disyembre subalit lumipat sa isang ahensya matapos pagtangkaang gahasain ng amo. Binigyan umano ng bagong amo ang biktima na isang oil refinery finance manager.

Sugatan at duguan ng matagpuan at kinakitaan ng malubhang pagpapahirap. Lapnos ang katawan matapos pasuin ng kaldero at kawali at buhusan ng kumukulong mantika.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino