Mga suspek sa pagpatay kay Atio Castillo, ipinagsakdal na

2017-09-25 18:26:01

IPINARATING na ng pulisya ang kasong kriminal sa pamamagitan ng Department of Justice laban sa 18 kataong sinasabing sangkot sa pagkasawi ng UST College of Law student na si Horacio Castillo III.

Kinasuhan ng murder si John Paul Solano na nagsabing siya ang nagdala kay Castillo sa pagamutan. May kasong murder, perjury, obstruction of justice, robbery at paglabag sa Anti-Hazing Law ng Manila Police District matapos siyang sumuko.

Ang isa sa mga ina ng mga akusado ay kinasuhan din ng obstruction of justice. Si Solano lamang ang sumailalim sa inquest proceedings sa Department of Justice sapagkat nakalalaya pa ang 17 iba pang mga akusado.

Ang isa sa mga akusado at ang kanyang ina ang lumipad patungo sa Estados Unidos noong ika-19 ng Setyembre.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino