Ombudsman, 'di natitinag sa banta ni Pangulong Duterte

2017-09-29 17:58:56

 

SINABI ng Office of the Ombudsman na 'di sila natitinag sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasiyasat sila.  Tuloy pa rin ang kanilang gagawing pagsisiyasat sa mga sinasabing deposito sa bangko ng pamilya Duterte.


Sa isang press statement, sinabi ng Office of the Ombudsman na 'di sila nayayanig man lamang.


Nagbabala si G. Dutrete na sisiyasatin ang Office of the Ombudsman sampu ng mga tauhan nito.


Magugunitang sinabi ng pangulo na marapat ding siyasatin ang Ombudsman dahil may pinapanigan umano ang tanggapang nagsisiyasat sa mga anomalya ng mga tauhan ng pamahalaan.


Ayon sa Ombudsman, tila bumabawi lamang ang pangulo sa pagsisiyasat sa bilyon-bilyong yamang nasa bangko sa ngalan ng mga Duterte.


Tuloy ang imbestigasyon, dagdag pa ng Ombdusman.  Wala umanong dapat ikatakot si Pangulong Duterte kung wala namang irregularidad sa mga deposito sa bangko.


Tuloy ang pagsisiyasat tulad ng itinatadha ng Saligang Batas at kung wala namang itinatago ang pangulo, wala siyang nararapat ipangamba, dagdag pa ng pahayag.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino