Sandatahang lakas ng Pilipinas at Department of Defense, nagpasalamat sa Tsina

2017-10-05 18:41:20

 

NAGPASALAMAT sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa ipinagkaloob na assault rifles at mga bala ng Tsina.


Sa seremonya kaninang umaga, sinabi nina G. Lorenzana at General Año na malaking tulong ang ginawa ng Tsina sa pagsugpo at paglaban sa mga terorista.


Nagkakahalaga ang donasyong mga sandata at bala ng may 22 milyong Renminbi o P 168 milyon.  Naganap ito matapos lumagda sa kasunduan ang Tsina at Pilipinas noong Agosto.


Sa panig naman ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua, magpapatuloy ang pagtulong ng Tsina sa Pilipinas matapos ang matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina noong nakalipas na Oktubre ng 2016.


Mayroon pang aabot na US$ 3 milyong engineering equipment sa mga susunod na buwan bilang tulong ng Tsina sa pagtatayong muli ng Marawi City.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino