Mga abogado ni Chief Justice Sereno, nalungkot sa desisyon ng lupon

2017-10-05 18:43:26

IKINALUNGKOT ng panig ni Chief Justice Sereno ang naging desisyon ng House Committee on Justice  na mayroong sapat na dahilan upang sumailalim sa impeachment ang kanilang kliyente.


Inaasahan umano nila ay ang pagsagot sa tanong kung may ebidensya ba sa mga alegasyon.  Ito ang sinabi ni Atty. Anacleto Lacanilao III, bahagi ng defense team ni Chief Justice Sereno sa isang ambush interview.


Idinagdag ni Atty. Lacanilao na ang paghahanap ng “sufficiency of grounds” ay walang pagkakaiba sa paghahanap ng “form and substance.”


Naniniwala si Atty. Lacanilao na walang sapat na ebidensya, walang papel, walang affidavits kaya't walang ebidensya kaya walang sandigan ang reklamo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino