Paglalayag ng mga barkong Tsino sa South China Sea, natural lamang

2017-10-05 18:46:31

 

SINABI nina Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua at Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang dapat ikabahala sa pagkakaroon ng mga barkong Tsino sa South China Sea tulad ng sinabi ni Magdalo Representative Gary Alejano.


Ani Ambassador Zhao, natural na makakita ng mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea at ang mga Tsino ay tumatalima sa Declaration of Conduct in the South China Sea.


Sinabi niya na ayon sa Article 5 ng DOC na ang Tsina at mga bansang kasama sa ASEAN ay nagkasundo na walang reclamation at rehabilitation o paninirahan sa mga walang taong pulo sa pook.


Ang Tsina at Pilipinas ay tumutupad sa nilalaman ng DOC.  Mayroong mga barkong Tsino at Filipino sa pinatatalunang bahagi ng South China Sea tulad rin ng mga barkong pangisda.


Wala umanong dapat ikabahala sapagkat nangingisda lamang ang mga barko ng Tsina at Pilipinas.


Sa panig ni Defense Secretary Lorenzana, wala umanong nararapat ipangamba sapagkat walang illegal fishing o activities na nagaganap sa pook.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino