Resolusyon, malalagdaan ng mas nakararaming mambabatas pabor kay Chief Justice Sereno

2017-10-11 12:13:17

SINABI ni Albay Congressman Edcel Lagman na malaki ang posibilidad na isang resolusyon ang maipapasa upang pakiusapan ang Kamara na suportahan si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Magaganap ito matapos ilang mga mambabatas ang tumawid ng kanilang mga partido na nananawagan sa mababang kapulungan na panatiliin at ipagsanggalang ang constitutional independense at integridad ng Office of the Ombudsman.

Nakikita ni Congressman Lagman na makapaglalabas ng bagong resolusyong papabor naman kay Chief Justice Sereno. Magugunitang 26 na mambabatas mula sa iba't ibang partido ang lumagda sa resolusyong naniniwala sa katapatan at integridad ng Ombdusman.

Lumabas ang resolusyon wala pang dalawang linggo matapos sabihin ni Pangulong Duterte na bubuo siya ng isang komisyong magsisiyasat sa Ombudsman at sa kanyang mga tauhan. Nangyari ito matapos sabihin ng Ombudsman na sisimulan na nilang halukayin ang mga ulat na may tagong yaman si Pangulong Duterte.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino