Senador de Lima, mananatiling nakapiit

2017-10-11 12:16:20

NAGLABAS ng desisyon ang Korte Suprema kanina na nagsasabing marapat lamang manatili sa pagkakabimbin si Senador Leila de Lima sa PNP Custodial Center.

Hindi nakumbinse ng Seandor de Lima ang Korte Suprema na pawalang saysay ang pagkakadakip sa kanya sa tatlong usaping may kinalaman sa droga. Nagkaroon ng botohan at lumabas na siya ang naniwalang walang saysay ang petisyon ni Senador de Lima samantalang anim naman ang nagsabing may katuturang ang kahilingan ng nakapiit na mambabatas.

Lumabas ang warrant of arrest ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 noong nakalipas na Pebrero. May kanya-kanyang desisyon ang anim na kontra sa desisyon ng siyam na mahistrado.

Si Associate Justice Presbitero Velasco, Jr. ang lumagda sa desisyon na sinang-ayunan naman nina Justice Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Noel Tijam, Andres Reyes at Alexander Gesmundo.

Ang kontra ay sina CJ Ma. Lourdes Sereno, Senior Associate Jusitce Antonio Carpio, Associate Justices Estela Perlas Bernabe, Francis Jardeleza, Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.

May 15 si Senador de Lima sa pagkakatanggap ng sipi ng desisyon na umapela.

Nahaharap si Senador de Lima sa illegal drug trading cases kina Judge Patria Manalastas-De Leon ng Branch 206, Judge Amelia Fabros-Corpus ng Branch 205 na naglabas ng warrants of arrest para sa senador at sa kanyang sinasabing mga kasapakat sa pagpapatuloy ng ilegal na gawain.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino