Health Secretary Ubial, tinanggihan ng Commission on Appointments

2017-10-11 12:18:57

HINDI na makapaglilingkod bilang Secretary of Health si Dr. Paulyn Jean Rossell-Ubial matapos tanggihan ng Commission on Appointments ang kanyang appointment.

Dumaan sa secret voting ang proseso sa isang executive session. Nagsagawa mg tatlong pagdinig ang Commission on Appointments Committee on Health. May mga humadlang sa kanyang appointment.

Si Dr. Ubial ang ika-limang hinirang ni Pangulong Duterte na tinanggihan ng Commission on Appointments. Unang tinanggihan si Foreign Secretary - Designate Perfecto R. Yasay, Jr., Environment Secretary Regina Lopez, Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo at ang pinakahuli ay si dating Congressman Rafael “Ka Paeng” Mariano ng Department of Agrarian Reform.

Naging emosyonal si Secretary Ubial ng tanungin kung nais pa niyang maglingkod sa pagkakaroon ng maraming oposisyon.

Sinabi ni Dr. Ubial na sa likod ng mga oposisyon sa kanyang appointment lalo na ang mga nagtatanong kung may kakayahan siyang maglingkod, nananatili umano ang kanyang katapatan sa pangulo. Maglilingkod umano siya hanggang gusto ng pangulo.

Dumalo sa pagdinig si dating PhilHealth interim president at chief executive officer Hildegarde Dineros na nagsabing nagkalat ng tsismis si Secretary Ubial ng sabihin niyang nagbitiw na siya sa puesto sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Health.

Idinagdag pa ni G. Dineros na walang kakayahang magpatakbo ng tanggapan si Secretary Ubial. Pinabulaanan naman ni Dr. Ubial ang pahayag ni G. Dineros.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino