Manggagamot na naging pari, namayapa na sa edad na 75

2017-10-11 12:21:34

PUMANAW na si Fr. Romeo “Archie” J. Intengan kaninang umaga matapos atakehin sa puso sa edad na 75.

Si Fr. Archie ay isa sa mga propesor ng surgery sa University of the Philippines - Philippine General Hospital bago siya pumasok sa Society of Jesus noong ika-25 ng Hulyo, 1970. Naordenan sa pagkapari noong ika-27 ng Marso 1977 at nahalal na provincial o pinuno ng kanilang kongregasyon sa buong bansa mula 1998 hanggang 2004.

Nakilala siya sa kanyang paninindigan laban sa Batas Militar ni Ferdinand Marcos. Bumalik siya sa bansa matapos mawala sa poder si G. Marcos. Pansamantala siyang nanirahan sa Malaysia.

Pumanaw siya samantalang dinadala sa pagamutan kaninang umaga.

Ngayong gabi magsisimula ang paglalamay sa Oratory of St. Ignatius sa Loyola House of Studies at magkakaroon ng Misa sa bawat ika-walo ng gabi. Nakatakdang idaos ang funeral mass sa Sabado, ika-walo ng umaga sa Oratory of St. Ignatius sa loob ng Ateneo de Manila University campus.

Ihahatid sa huling hantungan ang kanyang labi sa Sacred Heart Novitiate sa Novaliches, Quezon City pagkatapos ng Misa. Naulila niya ang kanyang mga kapatid na sina Glicerio at Alexa Intengan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino