Ilang mga pook saklaw ng Storm Signal No. 2

2017-10-13 20:18:25

 

TATLONG pook ang na sa ilalim ng Tropical Cyclon Warning Signal No. 2 sa pagyaot ng bagyong “Odette: sa baybay-dagat ng Ilocos Sur kaninang umaga.


Ayon sa ulat ng PAGASA kanina, ang mga pook na apektado ay ang Ilocos Norte, Batanes at Babuyan group of islands.  Ang iba pang mga pook na nasa Signal No. 1 ay ang Cagayan, Abra, Kalinga, Apayao, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Ifugao, Pangasinan at Benguet.


Tuloy ang pagulan sa nasasakop ng bagyong si Odette na aabot sa 400 kilometrong diametro.  May hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras at pagbugso itong aabot sa 100 kilometro bawat oras.


Mapanganib din ang paglalakbay sa karagatan sa pagtaas ng alon mula apat hanggang 14 na metro.  Sa mga pook na saklaw ng Signal No. 1, aabot naman ito sa higit sa isa hanggang apat na metro sa karagatan.


Inaasahan itong makararating sa 490 kilometro sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur sa loob ng 24 na oras.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino