Mga akusado sa pagpaslang kay Kian Lloyd delos Santos, humiling na pawalang-saysay ang akusasyon

2017-10-23 18:42:42

HINILING ng 11 sa 12 mga pulis na inakusahan ng Public Attorneys Office ng pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos na pawalang-saysay ng Department of Justice ang mga reklamo laban sa kanila.

Dalawang hiwalay na joint counter-affidavit ang isinumite ng mga pulis na dumalo sa preliminary investigation upang pormal na sumpaan ang kanilang mga pahayag.

Sinabi ng ilan na na sa barangay hall sila samantalang ang iba'y nagsabing maysakit ng maganap ang krimeng ikinasawi ng menor de edad.

Sinabi ng mga akusado na marapat lamang patunayan ng mga nagreklamo na tinulungan ng PAO na patunayang may sabwatang naganap sa pagpatay at pagpapahirap sa biktima.

Nakatakdang magsumite ng kanilang sagot ang Public Attorney's Office sa darating na Miyerkoles. Magpaparating ng kanilang rejoinder ang mga pulis sa darating na Biyernes.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino