Paghahanda para sa Todos los Santos nagsisimula na

2017-10-30 18:40:29

DEKLARADONG walang pasok sa lahat ng antas ng mga paaralan sa Maynila ngayong Lunes tulad rin ng mga tanggapan sa Manila City Hall upang mabigyanng pagkakataon ang mga mamamayang maghanda ng mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay para sa Todos los Santos sa darating na Miyerkoles, unang araw ng Nobyembre.

Deklarado ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang suspensyon ng pasok sa paaralan sa maging sa Manila City Hall.

Samantala, sinabi ni Fr. Ric Torrefiel, ang paring nangangasiwa sa La Loma Cemetery na saklaw ng Diocese of Kalookan na mahigpit na ipinagbabawal ang mga inuming nakalalasing, malalakas na instrumento, gamit sa pagsusugal at mga nakasusugat at nakamamatay na sandata sa lahat ng mga dadalaw sa kanilang mga yumao mula ngayong araw na ito hanggang sa unang walong araw ng Nobyembre.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Fr. Torrefiel na may lawak na 42 ektarya ang La Loma Cemetery sa panig ng C-3 na saklaw ng Kalookan diocese. Karaniwan umanong namamali ang mga mamamayan sa pag-aakalang iisa ang Manila North Cemetery at La Loma Cemetery. Niliwanag ni Fr. Torrefiel na isang civil engineer bago naging pari na umaabot sa halos 139,000 ang nakalibing sa huling hantungan na kanyang pinangangasiwaan.

Sa panig ni Fr. Diony Cabillas at Fr. Mar Carabio ng Iglesia Filipina Independiente, nahaharap sila sa mga humihingi ng katarungan sapagkat ang mga nabibiktima ng “Oplan Tokhang” ay 'di makatanggap ng tulong mula sa mga opisyal ng barangay.

Ikinalungkot nila na ang mga barangay tanod at opisyal ng barangay ang nagtuturo ng mga pinaghihinalaang sangkot sa droga kahit pa walang katotohanan at ibayong pagsisiyasat.

Niliwanag ng dalawang pari na hindi tumututol ang kanilang simbahan sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga. Ang ikinababahala lamang nila ay ang paraan ng paglutas ng problema na ikinasasawi ng mga pinaghihinlaan.

Mahalaga umanong igalang ang karapatang pangtao, ang due process at ang pamamayani ng mga itinatadhana ng batas.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino