Plenaryo ng ASEAN, binuksan na

2017-11-13 17:01:05

UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na sa pagpupunyaging ginawa sa pagtatagumpay ng ASEAN Summit, higit na bibilis ang pagkakaroon ng kabuluhan sa ASEAN-Vision 2025.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng plenaryo ng 31st ASEAN Summit sa Philippine International Convention Center, sinabi niyang mahalaga ang pagsasama-sama ng mithiin sa rehiyon sa pagkakaroon ng ASEAN Community na isang “rules-based, people-oriented at people-centered” association.

Oportunidad rin ito upang pag-usapan ang mga uri ng pagtutulungan upang makatugon sa madalian, pangrehiyon at pangdaigdig na nagaganap at makatugon din sa panganib mula sa non-traditional security issues sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon.

Talagang mahalaga ang consultation, consensus at cooperation, ayon kay Pangulong Duterte.

Idinagdag niyang kailangan ang pagkakaroon ng community, centrality at connectivity upang matiyak ang tagumpay ng pagbuo ng isang ASEAN Community.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino