Nakalipas na ASEAN, pinaghandaan. Mga kasunduan, may katabangan

2017-11-21 14:30:29

MAKATITIYAK ang Pilipinas na matatanyag sa kakayahang maging punong-abala sa mga okasyong tulad ng 31st ASEAN Summit and Related Meetings. Ito ang binanggit nina dating Philippine Ambassador to Palau at Holy See Jose Apolinario Lozada at isa sa mga nagtatag ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa na si Commodore Rex Robles sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.

Naniniwala ang dalawa ng masusing dinaluhan ng mga nasa likod ng pagtitipon ang detalyes ng mga pagpupulong hanggang sa daloy ng mga pag-uusap. Binanggit ni Commodore Robles si dating Ambassador Marciano Paynor na siyang nangasiwa sa mga paghahanda.

Magandang napag-usapan ang mga isyung bumabalot sa South China Sea sa pamamgitan ng mga nakatakdang gawin upang magkalaman ang Code of Conduct ng mga bansang nasa paligid ng malawak na karagatan.

Sa panig nina Casey Salamanca ng IBON Foundation at Arman Hernando ng Migrante International, malabnaw ang mga napag-usapan tulad ng kasunduan hinggil sa mga manggawang na sa iba't ibang bansa.

Ayon kay G. Hernando, ni hindi nabanggit ang kalagayan ni Mary Jane Veloso na saklaw ng parusang kamatayan sa Indonesia kahit pa narito si Pangulong Widodo. Wala ring katuturan ang dokumento hinggil sa mga migranteng manggagwa sapagkat tanging mga manggagawang may angkop na dokumento ang mabibigyan ng tulong. Hindi rin maka-aasa ang mga manggagawa ng iba't ibang bansa sapagkat ang kasunduan ay “non-binding” o hindi mapipilit na ipatupad ng mga bansang kasama sa ASEAN.

Kahit pa umano may kasunduan ang mga bansa sa ASEAN, hindi naman sumasang-ayon ang mga pamahalaan sa nilalaman ng mga International Labor Organization conventions.

Ayon kay Bb. Salamanca, hindi rin naisulong ang mga agenda ng Pilipinas upang makatugon sa hamon ng industrialisasyon at paglaganap ng manufacturing.

Sa idinaos ding Tapatan sa Aristocrat, sang-ayon din sina dating Ambassador Lozada at Commodore Robles sa panukalang isulong ng bansa ang kasunduan hinggil sa pangingisda sa karagatan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

Mas madali itong mapapag-usapan sapagkat walang bahid ng politika at malapit sa sikmura, tulad ng paniniwala ni UP Professor Dr. Clarita Carlos sa naunang panayam.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino