Limang tripulante, nailigtas ng mga kawal sa kamay ng mga armado

2017-11-21 14:33:23

NAILIGTAS ng mga kawal mula sa Joint Task Force Tawi-tawi at Naval Tsak Group ng Naval Forces ng Western Mindanao Command ang limang biktima ng kidnapping noong nakalipas na Biyernes.

Sa isang naantalang balita, sinabi ng AFP Western Command na nailigtas ang mga biktima sa Sugbay island, languyan, Tawi-tawi province noong Biyernes ng hapon.

Mga tripulante ng bangkang pangisdang Danvil 8 ang dinukot ng mga Abu Sayyaf noong ika-14 ng Oktubre sa may poblacion Simbahan, Pangutaran, Sulu. Mula sa Davao City at Pagadian City ang mga biktima.

Sumailalim ang mga biktima sa medical check-up pagdating sa Zamboanga City.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino