Mga dating kalihim ng gabinete ni Pangulong Aquino, ipinagsumbong ng plunder

2017-11-21 17:59:16

NAKARATING na ang reklamong plunder ng Department of Transportation laban sa siyam na dating miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Ipinagsumbong ang mga dating opisyal sa kontrobersyal na kontrata para sa maintenance ng MRT 3.

Kabilang sa mga ipinagsumbong sina dating Transport and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya, dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na naglingkod rin bilang Secretary of Transportation and Communications bago nanungkulan si Secretary Abaya.

Idinawit din sina dating Budget and Management Secretary Florencio Abad, dating Finance Secretary Cesar Purisima, dating Energy Secretary Jericho Petilla, dating Science and Technology Secretary Mario Montejo, dating Defense Secretary Voltaire Gazmin, dating Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson at dating NEDA Secretary Arsenio Balisacan,

Isinama rin sa reklamo sina dating DOTC Undersecretary Edwin Lopez, Rene Limcaoco at Catherin Gonzales.

Sabit din ang isang Marlo dela Cruz, at mga kasama ng bids and awards committee at mga dating opisyal ng MRT maintenance contractor, Busan Universal Rail Inc.

Hindi isinama si dating Pangulong Aquino sapagkat ‘di naman siya kasama sa Government Procurement and Policy Board.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino