Peace talks sa CPP/NPA/NDF, kanselado na

2017-11-22 18:06:29

 


WALANG magaganap na mga pag-uusap sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at mga kasapi ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang press conference kagabi na hindi na kaaya-aya ang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Sinundan ito ng pahayag ni Secretary Jesus Dureza, presidential adviser on the peace process na walang magaganap na mga pag-uusap sa mga susunod na araw, linggo at buwan.  


Sa isang pahayag, sinabi ni G. Dureza na ang kanilang pahayag ay ayon sa sinabi ni Pangulong Duterte sanhi ng mga nakababagabag na pangyayari sa iba’t ibang bahagi g bansa.  Kagagawan umano ito ng mga armadong New People’s Army.  Ginawa na umano ni Pangulong Duterte ang lahat upang magkaroon ng pagtatagumpay sa peace talks subalit hindi kinakitaan ng katapatang mga armadong tauhan ng Communist Part of the Philippines.


Walang magaganap na pag-uusap hanggang ‘di nagbabago ang situwasyon sa iba’t iang bahagi ng Pilipinas.  


Bagaman, sinabi ni Secretary Dureza na kanilang mamatyagan ang mga magaganap sa buong kapuluan.  


Nagpasalamat din sila sa pamahalaan ng Norway sa mainit na pagtanggap sa kanila at nagpaabot na rin ng kalungkutan sa kinahinatnan ng mga pag-uusap.


Umaasa pa rin si G. Dureza na magkakaharap na muli ang magkabilang panig at pag-uusapan ang kapayapaan.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino