Dating Defense Secretary at AFP Chief of Staff De Villa, naniniwalang magpaparamdam ang mga tauhan ng NPA

2017-11-22 18:08:19

SINABI ni dating Defense Secretary at AFP Chief of Staff General Renato S. De Villa na magpaparamdam ang mga guerilya ng New People's Army matapos kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap sa mga komunista.

Ayon kay General de Villa, magpaparamdam ang mga NPA at sasalakay sa mga kinikilalang “soft target” upang ipakita ang kanilang bilang, ang kanilang kakayahan at determinasyong lumaban sa pamahalaan.

Subalit sa oras na mautusan ang mga kawal na habulin ang mga armado, lalayo at iiwas ang mga guerilya ng New People's Army upang huwag mapinsala at mawala sa kanayunan.

Lumalakas ang mga NPA sa pagkakaroon ng ceasefire na ipinatutupad ang pamahalaan. Ito ang pagkakataong magkaroon ng mga sandata at makapagsanay sa mga operasyong ilulunsad ng pamahalaan.

Ito na ang karanasan ng lipunan noon pa mang ilunsad ang unang peace talks noong dekada otsenta, dagdag pa ni General de Villa.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino