Presidential Spokesperson Harry Roque, presidential adviser na rin sa Human Rights

2017-11-22 18:11:29

HINIRANG si Presidential Spokesperson Harry Roque bilang presidential adviser on Human Rights.

Ayon sa isang statement, sinabi ni Secretary Roque na kabilang sa kanyang obligasyon bilang tagapagsalita ng pangulo ay titiyakin niyang tumutupad ang Pilipinas sa mga obligasyon nitong ipagtanggol at isulong ang karapatang pangtao, lalo na ang karapatang mabuhay.

Ginawa ang pahayag bilang tugon sa pahayag na rin ng United Nations High Commissioner for Human Rights sa sinabi ni Pangulong Duterte na sasampalin niya ang special rapporteur hinggil sa sinasabing paglabag sa batas sa tinaguriang extra-judicial killings.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino