Mahalagang pulong hinggil sa relasyon ng Tsina at Pilipinas, gagawin sa Sabado

2017-11-28 17:19:14

 

PAKSA ang seguridad at geopolitics sa gagawing pagpupulong na itinataguyod ng Philippine Association of Chinese Studies sa Sabado, ikalawang araw ng Disyembre.


Magugunitang uminit na muli ang relasyon ng dalawang bansa mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte at makadalaw sa Beijing noong nakalipas na Oktubre ng 2016.


Ang pulong ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Association for Chinese Studies sa Pasig City.


Nakatakdang magsalita sina Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at Philippine Ambassador to China Jose “Chito” Sta. Romana.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino