Mahabang debate, inaasahan sa tax reform bill

2017-12-01 18:50:39

NANINIWALA si Senador Sonny Angara na magiging matagal ang debate ng mga kinatawan ng Mababang Kapulungan at Senado upang pag-isahin ang kani-kanilang bersyon ng Tax Reform bill.

Malawakang pagbabago ang nasasaad sa dalawang bersyon. Nagsimula ang bicameral meeting at dinaluhan ng mga kinatawan ng dalawang kapulungan sa pamumuno nina Senador Angara at House Committee Chair Dax Cua.

Nakapasa ang Senate Bill 1592 sa pagkakaroon ng 17 boto, ang sariling bersyon nito ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na sertipikadong urgent bill ni Pangulong Duterte. Nakapasa na ang House version noon pang huling araw ng Mayo.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino