Kontrobersya sa bakuna laban sa dengue, sumidhi

2017-12-05 11:22:35

NANAWAGAN si Buhay Party List Congressman Jose L. Atienza, Jr. na nararapat managot si dating Health Secretary Janette Garin sa pagkakaroon ng kontrobersyal na bakunang binili sa halagang P 3.5 bilyon mula sa Sanofi-Pasteur.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Congressman Atienza na noon pa man ay ipinagtatanong na nila ang kasunduang pinasok ng pamahalaan ng Pilipinas at ng banyagang kumpanya na Nagbibili ng bakunang Dengvaxia.

Ipinagtatanong din ni Dr. Antonio Leachon, isang independent director ng Philhealth kung anong mekanismo ang ginamit ng Food and Drug Administration sa pagpapasa ng bakunang hindi pa nakapapasa at hindi pa natatanggap ng iba't ibang bansa.

Sa panig naman ni Dr. Miverva Calimag, dating pangulo ng Philippine Medical Association, marapat lamang na matiyak na ang mga bakunang gagamitin sa Pilipinas ay matagal nang nasuri at nasubukan.

Iginiit ni Congressman Atienza na hindi makalulusot ang insidenteng kinasasangkutan ng higit sa 700,000 mga bata na nanganganib ang buhay. Salapi umano ng bayan ang ginamit sa pagbili ng bakuna. Ipatatawag ng Kongreso si dating Secretary Garin sa isang imbestigasyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino