Daan-daang mga manggagawang Filipino, hindi makauwi mula sa Hong Kong

2017-12-21 17:18:14

MAY ilang daang mga manggagawang Filipino ang 'di makauwi sa Pilipinas matapos mabatid na walang schedule ang biyahe na kanilang binayaran.


Ibinalita ng South China Morning Post na mula sa 200 hanggang 1,000 mga manggagawa ang problemado sapagkat napalpak ang kanilang ahensya, ang Peya Travel, na madalas tangkilikin ng mga manggagawa mula sa Pilipinas.


Nagtungo ang mga manggagawa sa tanggapan ng travel agency at humingi ng refund at rebooking matapos sabihan ng mga kumpanya ng eroplano na hindi nila mabigyan ng confirmation ang kanilang reservation.


Sa likod ng paghingi ng paumanhin ng Peya Travel, wala pang nakikita ang South China Morning Post na may ginagawa na ang ahensya upang magkaroon ng rebooking.  Nabahala na rin ang Philippine Consulate General sa Hong Kong sa pangyayaring ito.  Pinayuhan ng tanggapan ang Filipino na huwag nang makipagkalakal sa ahensya at payapang humingi ng rebooking o refund.


Nanawagan ang konsulado ng Pilipinas sa travel agency na panagutan ang nakalulungkot na kinahinatnan ng mga manggagawang Filipino sa Hong Kong na nanganganib na 'di makauwi ngayong Pasko.


Kumilos na rin ang Cathay Pacific at nag-alok ng may diskwentong pasahe sa nalalabing mga upuan sa kanilang biyahe pabalik ng Maynila. May posibilidad ring isakay ang mga manggagawa sa kanilang economy class sa mas malalaking eroplano.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino