Pagpasok ng China Telecom makatutulong sa bansa

2017-12-21 17:19:14

 

NANINIWALA si Deputy Governor Diwa Guinigundo ng Bangko Sentral ng Pilipinas na makatutulong ang pagpasok ng China Telecom sa Pilipinas upang makasabayan ng dalawang malalaking kumpanya sa larangan ng telecommunications.


Sa isang panayam, sinabi ni G. Guinigundo na nakatitiyak siyang malaki ang maitutulong nito sa pagpapahusay ng infrastructure sa telecommunications upang makatawag pansin ng mga mangangalakal mula sa iba't ibang bansa.


Idinagdag din ni G. Guinigundo na naniniwala siyang aabot sa US$ 28 bilyon ang foreign remittances ng mga Filipino sa iba't ibang bahagi ng daigdig ngayong 2018.




Tinataya niyang lalago ng may 4% ang remittances ngayong 2017 kung ihahambing sa 2016.  Kahit pa may sigalot at kawalan ng katiyakan sa nagaganap sa Gitnang Silangan, naniniwala si G. Guinigundo na makatatagpo ng paraan ang mga Filipino na makapagpadala ng salapi pauwi sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino