Metro Manila subway project, masisimulan sa ikatlong kwarter ng 2018

2017-12-21 17:20:10

 

MAGSISIMULA ang proyekto para sa Metro Manila subway sa ikatlong kwarter ng 2018.  Ito ang sinabi ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kanina.


Umaasa ang Department of Transportation na masisimulan ang Phase 1 sa ikatlong kwarter ng 2018.  Tinatapos na ang feasibility study at may design and build sapagkat isa ang proyektong ito na 'di matatapos sa panunungkulan ni pangulong Duterte.  Makaasa ang madla na magkakaroon ng subway sa Metro Manila.



Nagkasundo na sina Secretary Alan Peter Cayetano at Japanese Ambassador to the Philippines Kojie Haneda hinggil sa Metro Manila Subway Project.  Tinatayang nagkakahalaga ng P 355.6 bilyon o 104.53 bilyong Yen, tutustusan ito ng Official Development Assistance mula sa Japan.  May haba itong 25.3 kilometro mula sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City at magkakaroon ng 13 istasyon.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino