Chinese Minister Wang Yi, Pamahalaan ng Francia, nakiramay sa mga biktima ni “Urduja”

2017-12-21 17:21:11

 

IPINARATING ni Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Foreign Secretary Alan Peter Cayetano ang pakikiramay sa mga naging biktima ng dumaang bagyong “Urduja” sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.


Ipinaabot ni G. Wang ang pakikiramay sa mga biktima sa pamamagitan ni G. Cayetano.  Naniniwala umano siya na sa ilalim ng liderato ng pamahalaan ay makalalampas ang mga biktima sa matinding pagsubok.


Samantala, nagparating na rin ng pakikiramay ang pamahalaan ng Francia sa mga naulila ng bagyong “Urduja” na tumama sa ilang mga lalawigan sa Pilipinas.


Ipinarating na rin ng Francia ang kanilang pakikiisa sa mga autoridad at mga komunidad ang kanilang pakikiisa sa Pilipinas.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino