Anim na sunog, naganap sa Metro Manila, isa ang nasawi

2018-01-01 17:47:16

 

MAY anim na magkakahiwalay na sunog ang naganap sa Metro Manila mula kagabi hanggang kaninang madaling araw na ikinasawi ng isang biktimang 58 taong gulang.


May naganap na sunog sa Katarungan Street sa Pasig City na ikinasawi ng isang biktima.


Kagabi ay nagkaroon din ng sunog sa Barangay 74 ng Caloocan City.  Nasugpo ang pagkalat ng apoy bago naghatinggabi.  May gusali ring nasunog sa Binondo District sa Maynila bago naghatinggabi.


Isang sunog sa kabahayan ang naganap sa Novaliches, Quezon City samantalang isang sunog pa rin ang naganap sa Sta. Rosa St., Tondo, Manila at  nasugpo bago nagmadaling-araw kanina.


Isa ring sunog ang naganap sa isang bodega sa Coronado St., Makati City kaninang madaling araw.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino