Arsobispo Tria-Tirona, nanawagang sugpuin ang kahirapan at itaguyod ang buhay

2018-01-01 17:50:14

 

KAILANGANG magtulungan ang mga mamamayan at ng pamahalaan ang pagsugpo sa kahirapan at pagtataguyod ng Karapatang Pangtao at buhay.


Ito ang buod ng mensahe ni Caceres Archbishop Rolando Tria-Tirona, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace pagsapit ng Bagong Taon.


Kailangan umanong manalangin at magkaisa sa layuning magkatotoo ang kaunlaran sa bansa.  Kailangan ding masugpo ang kahirapan at ang mga katiwalian sa lipunan.  Marapat ding pahalagahan ang buhay at ang karapatan ng bawat mamamayan.


Maraming pagsubok na dumaan sa taong 2017 na naging dahilan upang mahati ang mga mamamayan at bansa subalit mas maraming nararapat ipagpasalamat tulad ng kaligtasan ng nakararami sa magkakasunod na sama ng panahon at iba pang trahedya.


May pag-asa pa, dagdag pa ni Arsobispo Tirona.  Maraming magagandang nagaganap sa kapaligiran at natatampok ang mga mabubuting nagagawa ng mga mamamayan sa mainstream at social media, dagdag pa ng arsobispo.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino