Sama ng panahong si “Agaton” malapit na sa Palawan

2018-01-03 17:13:55

IBINALITA ng PAGASA na malapit na sa lalawigan ng Palawan ang sama ng panahong si “Agaton.” Ganap na ala-una ng hapon, ang mata ng sama ng panahon ay tinatayang may 245 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Puerto Princesa City o may 265 kilometro sa kanluran ng Dumaguete City sa Negros Oriental.

Tanging ang Palawan, kabilang ang Cuyo Island, ang saklaw ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 1. May lakas itong 55 kilometro bawat oras at may pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras. Kumikilos ito ng 28 kilometro bawat oras tungo sa kanluran. Inaasahan itong tatama sa lupa sa ika-anim na pagkakataon at lalabas ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Huwebes ng umaga.

Inaasahan pa ang malakas na pagbuhos ng ulan sa Bicol, Silangang Kabisayaan, katimugang bahagi ng Quezon, Panay Island at maging sa Mindoro, Marindugue, Romblon at Palawan.

Wala pang ulat sa pinsalang idinulot ng sama ng panahon.

Sinisiyasat pa rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang impormasyong may dalawang nasawi dala ng sama ng panahong si “Agaton.”

Ayon kay Bb. Romina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, may impormasyong may nasawi sa pagguho ng lupa sa Cebu samantalang may nasawi sa sakuna samantalang lumilikas.

Inaalam pa nila sa Department of Interior and Local Government ang impormasyon.

Mayroong 611 pamilya sa Capiz, Zamboanga del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Island at sa Agusan del Norte ang lumikas upang maiwasan ang panganib na dulot ng sama ng panahon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino