Mga pulis at bumbero, sinabon ni Pangulong Duterte

2018-01-04 16:55:56

NAGBIGAY ng kakaibang lecture si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at bumbero ng Davao City hinggil sa emergency response.  Nakita sa larawang kinuha ni Special Assistant to the President Secretary Christopher Go na nasa harap ng isang pisara si Pangulogn Duterte samantalang nakikinig ang mga kagawad ng pulisya at bumbero.


Binanggit ng pangulo ang angkop na tugon sa bawat emergency.  Kasama ni Pangulong Dutertre sa pagharap sa mga pulis at bumbero si Interior and Local Government Undersecretary Eduardo Ano at iba pang opisyal ng pamahalaan.


May 50 tahanan ang naabo ng masunog noong Bagong Taon sa Davao City.  Dalawang araw bago nag-Pasko, nasunog din ang NCC Mall sa Davao City na ikinasawi ng may 38 katao.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino