Secretary Cusi, humiling na magkaroon ng pansamantalang mga opisyal sa Energy Regulatory Commission

2018-01-04 16:57:15

 

HINILING ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi kay Pangulong Duterte na humirang ng mga pansamantalang commissioner para sa Energy Regulatory Commission.


Ito ang ginawang hakbang ni G. Cusi samantalang saklaw ng suspension na isang taon ang apat na nalalabing commissioner ng tanggapan.  Unang binanggit ni Chairperson Agnes Devanadera na hindi niya madidesisyunan ang mga petisyon kung mag-isa lamang siya sa tanggapan.


Lumiham na si Secretary Cusi kay Pangulong Duterte na alamin ang posibilidad na magkaroon ng mga pansamantalang commissioner para sa ERC.  Ito naman ang binanggit ni Undersecretary Felix Fuentebella sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kanina.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino