Mga labi ni Arsobispo Teofilo Camomot, inilibing na

2018-01-05 16:58:39

 

SINAKSIHAN ng libu-libong mga deboto ang paghahatid sa huling hantungan sa labi ni Arsobispo Teofilo Camomot sa kumbento ng mga madreng kabilang sa Daughters of St. Teresa sa Valladolid, Carcar City kaninang ika-apat ng hapon. 


Pinamunuan ni Cebu Archbishop Jose S. Palma ang Misa na nilahukan ng may 50 pari.  Dumalo rin sa Misa ang mga madre mula sa iba't ibang kongregasyon at ang libu-libong mga deboto mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.


Pagkatapos ng Misa, binasa ni Dr. Erwin Erfe ang kinahinatnan ng kanilang pagsusuri sa labi ng namayapang arsobispo.  Ang dokumentong nilagdaan ni Dr. Erfe at iba pang mga kalahok ay inilagay sa isang sisidlan at inilakip sa labi ng namayapang arsobispo.


Sinelyuhan ni Archbishop Palma ang kabaong sa pamamagitan ng kanyang singsing sa tinunaw na may kandilang pula.


Dinala ang labi ng arsobispo sa Domus Teofilo at doon na mahihimlay na regular na madadalaw ng mga deboto.




Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino