Mambabatas, dapat magkasundo sa paraan ng pagboto sa pagbabago sa Saligang Batas

2018-01-17 18:27:58

 

MARAPAT na magkasundo ang Senado at House of Representative kung boboto ng hiwalay o magkasama sa Charter Change.  Ito ang sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III.


Mayroong parehong kalakaran sa mga panukalang pagbabago sa Saligang Batas.  Kung hindi magkakasundo, walang anumang magaganap na pagbabago.


Kapwa prayoridad ng dalawang kapulungan ang charter change sa pagsusulong ng mga tauhan ni Pangulong Duterte na magkaroon ng federal form of government.


Nagkasundo ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan na magkaroon ng constituent assembly upang mabago ang ilang bahagi ng Saligang Batas.  Babasahin pa rin umano ni Senate President Pimentel ang ipinasang resolusyon sa Mababang Kapulungan kagabi.


Kung hindi magkasundo ang dalawang kapulungan, hindi malulutas ito kahit dalhin sa Korte Suprema sapagkat isyung politikal ang usapin, ayon naman sa pahayag ni dating Chief Justice Reynato Puno sa pagdinig sa Senado kanina.





Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino